Unang Pahina

Napiling artikulo

Iba't ibang matitigas na keso

Ang keso (mula sa Kastilang: queso) ay pagkaing gawa mula sa kinultang gatas ng baka, kalabaw, kambing, tupa at iba pang mamalya. Ang pagkukulta ay mula sa paghahalo ng kuwaho (rennet) o kahalili nito at pagpapaasim ng gatas. Ang bakterya ang nagpapaasim sa gatas at nagbibigay ng lasa at anyo sa karamihan ng keso. May ilang keso ang sadyang binabalutan o pinalolooban ng piniling amag (molds). Maraming uri ang keso. Ang iba’t ibang uri at lasa ng keso ay bunga ng paggamit ng iba’t-ibang bakterya at amag, iba’t-ibang dami ng taba ng gatas (milk fat), haba ng pag-iimbak nito, iba’t-ibang proseso tulad ng cheddaring (o pagtsetsedar), pagbatak, pag-aasin, paghuhugas sa amag at iba’t-ibang kasta ng baka, tupa at iba pang nagagatasang hayop. Ang kinakain ng hayop at pagdaragdag ng pampalasa tulad ng mga yerba, mga panlasa (spices), o usok ng kahoy ang iba pang nagdudulot ng kakaibang lasa o anyo sa keso. Kahit dumaan o hindi ang keso sa pasteurisasyon nagdudulot din ng kakaibang lasa ito. Sa ilang klase ng keso, kinukulta ang gatas sa pagdaragdag ng pampaasim tulad ng suka o katas ng kalamansi o limon. Karamihan ng keso ay pinaaasiman ng bakterya para atakihin ang asukal ng gatas upang maging asido laktiko at sinusundan ng pagdaragdag ng kuwaho upang makumpleto ang pagkulta. Ang kuwaho ay isang ensima (enzyme) na tradisyonal na kinukuha sa mga pileges sa loob ng tiyan ng batang baka na ngayon ay ginagawa na sa laboratoryo. Mayroon ding kahaliling ‘kuwahong mula sa halaman’ na katas mula sa pamilya ng halamang cynara o thistle (kardo).

Alam ba ninyo ...

วัดพระศรีรัตนศาสดารามและพระบรมมหาราชวัง เขตพระนคร กรุงเทพมหานคร (51).jpg

Napiling larawan

Berlin Opera UdL asv2018-05.jpg

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana

May-akda ng larawan: A.Savin

Sa araw na ito (Enero 30)

Enero 30

San Francisco, Kaliporniya

Mga huling araw: Enero 29Enero 28Enero 27

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensya ang nilalaman nito sa ilalim ng . Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
43,877
artikulo
134
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

Papst Benedikt XVI in Berlin 2011.jpg
  • Si Papa emerito Benedicto XVI (nakalarawan), na naglingkod mula 2005 hanggang sa kanyang pagbitiw noong 2013, ay namatay sa gulang na 95; nakatakdang siyang ilibing sa Enero 5.
  • Niligtas ng Hukbong-dagat ng Lebanon at ng Mga Nagkakaisang Bansa ang isang tumaob na bapor ng 232 migrante sa Dagat Mediteraneo. Dalawang tao ang nasawi sa magdamag na insidente.
  • Pinalitan ng Kroasya ang kanilang pananalapi mula sa kuna tungo sa euro upang maging ika-20 kasapi ng Eurosona, at sumali sa walang pasaporteng sona sa Europa, ang Lugar na Schengen.
  • Pinasara ng Pangasiwaan sa Abyasyong Sibil ng Pilipinas ang espasyong panghimpapawid ng bansa sa halos anim na oras dahil sa pagkawala ng kuryente sa sentro nito ng pamamahala ng trapiko ng himpapawid, na nakaapekto sa higit sa 200 lipad pangkomersyo at higit sa 56,000 pasahero.
  • Paglalakbay sa panahon ng pandemya ng COVID-19: Pinabatid ng Australya at Canada na kailangang magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 ang mga manlalakbay mula Tsina upang makapasok sa kanilang bansa simula Enero 5.
   Mga Wikipedia sa iba pang mga wika   
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.



Maraming iba pang Wikipedia; nakatala sa ibaba ang ilan sa mga malalaking Wikipedia.